Wednesday, December 10, 2008

SJMHS High School Chums


Akalain mo yun nagkita kita pa rin kami mga mag-classmates way back 19.... its been so many years before na magkatagpo kami ulit. Hindi maubos ang kwentuhan, tawanan at balitaan. Kulang ang maghapon.

Nung High School ang usapan mga crushes, love of your life, mga teachers na malulupit, ngayon mga anak na at MGA APO.

Pinakamasaya talaga ang high school sa lahat ng educational level na pagdadaanan ng isang nag-aral. Hindi mo matandaan kung sino ang mga naging classmates mo nung elementary at sa college ang natatandaan mo lang yung mga naging close mo. Pero sa high school kahit magkakaibang section, magkakakilala, magkakaibigan.

Mabuti na lang nauso na ang cellphones at emails, mas madalas na ang balitaan at mas madalas na pagkita-kita.

Wish ko lang sana mabuo ang batch namin.

Wednesday, October 15, 2008

Noon at Ngayon

Paghambingin nga natin

NOON ang mga punda, kumot, kubrekama pati na panyo ay ina-almerol ni Nanay para hindi daw madaling kapitan ng dumi at alikabok. Kaya mabenta nun ang cornstarch.

NGAYON, cotton at silk na ang ginagamit.

NOON sa paglalaba ginagamitan pa ng palo-palo para daw mas maalis ang dumi at mas maputi pag kinukula. Mas maaraw mas maputi. Kaya nga uso nun ang nakawan ng damit iniwan lang sa ibabaw ng kulahan. Ubos pa ang maghapon sa paglalaba lang.

NGAYON may washing machine. Hindi na masyadong mahirap magkusot. At sa pagbabanlaw. Gumamit lang “isang banlaw” sachet. Pakabanlaw i-dyer at isampay. May panahon na mag-window shopping. Window lang kasi nagtitipid.

NOON ang karamihan ang gamit sa hapag kainan, plato, baso, tasa, platito, pitsel,mangkok puro babasagin. Sa dalas ng pagaaway ng mga magasawa madaling maubos mga gamit na ito lalo na pag laging umuwi ng madaling araw ang lalaki. Kaya malakas ang business ng glassware company nun.

NGAYON puro hard plastic na, melaware. At mula plato hanggan baso iisa ang design. Minsan lumilipad pa din ang mga gamit pero hindi na ganun kadaling mabasag.

NOON pag nagluto ng kanin, dapat bantayan at kung mapabayaan, masusunog ito. Wala ng kakainin. Pwera na lang kung mahilig kang kumain ng tutong.

NGAYON may rice cooker na. Lagay mo lang ang nahugasang bigas, sabawan, at takpan. I-plug sa kuryente at i-on. Pwede ka ng mag telebabad at kung tinatamad ka pang magluto ng ulam, isabay mo na yung itlog sa sinaing. Pasingawan mo na rin ang kamatis.

NOON ang pag-i-init ng tubig kailangan din bantayan kung hindi tiyak na matutuyuan ang takure. Nakakahiya diba,. Tubig na lang nasunugan pa.

NGAYON, electric percolator lang ang katapat. I-plug lang kusa na itong mamamatay pag kumulo na.

NOON ang mga balita at drama kalimitan sa radio lang. Kaya damang dama mo ang mga malulungkot na salita.

NGAYON naka tv na. Kaya nga tele-radyo ang tawag.


NOON kahit sa panonood ng TV na e-exercise ka pa din. Kasi pag hindi mo gusto ang palabas tatayo ka para ilipat ang channel. Pag masyadong malakas ang electric fan ganun din. Na exercise ang paa mo at binti pati kamay.

NGAYON remote control ang katapat niyan. Kaya may 3 remote control sa center table.

NOON nagaaway mga bata sa telepono para tawagan mga classmate nila.

NGAYON bawat isa may cellphone.

Madami pa. Kayo naman ang sa iba pa.